Thursday, March 22, 2012

waaaaaaaaaaaaaaaaah ayoko na ;(

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah ayoko ng EXTRA LARGE  SHIRT!
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah ayokong mabilis hingalin!
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah ayoko ng masingil sa jeep ng dobleng pamasahe!
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah ayoko ng tawaging "SHREK"!

huhuhuhu ayoko ng maging "MATABA!"

             "Obese", "overweight",  "baboy, tabatchoy"," porky" at "dambuhala" ito ang mga katawagang madalas ginagamit sa mga taong medyo may kalakihan pag dating sa pisikal na anyo ngunit bago ka gumamit ng mga katagang ito sa isang tao naisip mo ba kung o.k. lng ba sa kanila ito? kung ano ang mararamdaman nila? at kung gusto ba talaga nilang maging ganito?  Madalas hindi natin alam kung ano ang talaga ang kanilang nararamdaman sapagkat hindi tayo ang nasa ganoong kalagayan kaya't madali lang sa atin ang tumawag at manghusga... siguro ni hindi rin natin alam kung paano nila tinatanggap ang bawat pagtawag sa kanila ,kung positibo man ito o negatibo, mula sa iba't ibang taong kanilang nakakasalamuha.. Kung tutuusin hindi naman kasalanan maging mataba ang may kasalanan ay ang taong tumitingin at humuhusga sa kanya.  At hindi rin naman sinabi na kailangan ang taong ating makakasalamuha natin at makasama ay perpekto nasa sa atin kun paano natin sila tatanggapin at uunawain bilang isang indibidwal at bilang isang tao :D

Wednesday, March 21, 2012

sariling ugali...

   

 ayoko sa mayabang!
 ayoko sa salbahe!
 ayoko sa pabago bago ng isip!
 ayoko sa maluho!
.....pero bago mo ipagpatuloy ang pag sigaw sa mga ugali na ayaw mo natanong mo na ba sa sarili mo kung hindi ka nga ba ang taong to?! ang taong ayaw mo na ikaw pala mismo...
Maraming tao sa mundo ang paulit-ulit na nagbabanggit ng mga ugali na ayaw nila pero kung pag aaralan at papansinin ang kanilang ugali at gawi mapapansin mo na ang taong ayaw nila ay ang pagkataong meron sila mismo. Minsan may mga pagkakataon talaga na ang mga tao ay nakakalimot mag isip sa ugali na mayroon sila sapagkat nagiging masyado silang "busy" at "aware" sa pag puna sa ugali ng tao na nakapaikot sa kanilang paligid at dahil dito nakakalimutan nilang punahin kung anong asal mayroon sila na humahantong sa pag mamalinis at pag angat sa sarili....Tulad ko hindi ko sinasabi na "perfect" ako at hindi rin ako nagmamalinis ang punto ko lang bago ka mang husga ng ugali ng iba at mag kumpara sa kanila subukan mo munang isipin kung sino ka talaga hindi yung dada ka ng dada pero ang taong sinasabihan mo mismo ay ang sarili mo....